Patay ang isang 30-anyos na lalaki sa Odiongan, Romblon matapos makuryente habang nagsasaksak ng electric fan sa tinutuluyang bahay sa Barangay Gabawan.
Kinilala ng Odiongan Municipal Police Station ang nasawi na si John Ace Fegurasin, residente ng Sitio Bangar.
Batay sa kanilang imbestigasyon, bandang alas-12 kaninang tanghali nang matagpuan ng kanyang mga magulang ang walang malay na si Fegurasin malapit sa isang electric fan kaya agad nila itong hinila at isinugod sa Romblon Provincial Hospital.
Sa kasamaang palad, idineklarang dead on arrival si Fegurasin sa ospital.
Hawak ni Police Staff Sergeant Raymond Rombines ang kaso.