Nalunod ang isang 52 anyos na lalaki matapos na bayuhin at tangayin ng malalakas na alon nitong gabi ng Huwebes, May 09 sa San Fernando, Romblon.
Kinilala ang biktima na si Edgar Relox, isang boat mechanic at residente ng Brgy. Otod, San Fernando, Romblon.
Batay sa imbestigasyon ng San Fernando Municipal Police Station, patungo sana si Relox kasama ang iba pang crew ng isang bangkang pag-mamayari ni Hector Robiso na naka-angkla sa layong 50 metro mula sa shoreline para sana ialis ang sa masungit na dagat.
Gamit ang tali na nakakabit sa bangka, tinungo ng crew ang pumpboat ngunit hindi nila kinaya ang lakas ng alon kaya bumalik sila, sa kasamaang palad, nahiwalay at napabitaw sa tali si Relox dahilan upang mawala ito.
Matapos ang mahigit 20 minutong search ang rescue operation kay Relox, natagpuan nila itong walang buhay sa layong mahigit 100 metro mula sa lugar kung saan siya huling nakita.
Isinugod ng Rural Health Unit ng San Fernando si Relox ngunit idineklara itong dead on arrival ng Doctor.