Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa kanyang sarili sa kesame ng kanilang bahay ang isang 20 anyos na babae sa Odiongan, Romblon nitong Linggo ng hapon.
Batay sa imbestigasyon ni PSSG Raymond M Rombines ng Odiongan Municipal Police Station, nadiskobre ng nakababatang kapatid ng biktima na nakabitin ang dalaga sa kesama kaya agad itong humingi ng tulong sa mga kapitbahay sa Barangay Poctoy.
Agad na dumating ang mga kapitbahay ng biktima sa kanilang bahay para ibaba ito sa pagkakatali at agarang isinugod sa Romblon Provincial Hospital ngunit idineklara na itong dead on arrival.
Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, may sakit sa pag-iisip ang dalaga dahil di umano sa depression.
Sinabi rin ni PSSG Rombines na wala umanong ibang sugat ang biktima maliban sa V-shape na marka ng tali sa kanyang leeg.
Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.