Anim, kabilang ang walong taong gulang na batang babae, na sakay ng isang lumubog na bangka ang nailigtas ng mga mangingisda sa karagatang sakop ng San Andres, Romblon nitong gabi ng Miyerkules, May 1.
Ayon kay Jabez Gadon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, galing ang bangka sa bayan ng Odiongan at patungo sanang Calatrava para dumalo sa isang kapiyestahan nang mangyari ang aksidente.
Bigla umanong tumaob ang kanilang sinasakyang bangka dahilan upang sila ay mahulog sa tubig, mabuti’t may mga mangingisdang natanaw sila kaya agad na nailigtas.
Kinilala ang mga nailigtas na sina: Isidro Macalisang 60 y/o; Eric Galvero 35 y/o; Jay-ar Macalisang 29 y/o; Wilfred Morales 37 y/o; Marlon Bantang 34 y/o; at si Danica Bantang 8 y/o.
Agad silang binigyan ng tuyong damit ng mga tauhan ng MDRRMO at pinakain bago ihatid sa kanilang tahanan sa bayan ng Odiongan.