Sugatan ang dalawang sakay ng motorsiklong sumemplang sa kahabaan ng Provincial Road sa Barangay Anahao sa Odiongan, Romblon nitong gabi ng Miyerkules, May 29.
Kinilala ang driver ng motorsiklo na si Samuel Fabito Faa, 51, habang ang sakay naman nito ay si Ronald Fran Falcunitin, 52.
Batay sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, galing ng Looc at patungo ng Odiongan ang mga sangkot ng mawalan ng kontrol sa motorsiklo si Faa pagdating sa harapan ng Saint Peter Funeral sa nasabing barangay.
Tumilapon sa kalsada sina Faa at Falcunitin dahilan upang magtamo sila ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad na isinugod ang dalawa sa Romblon Provincial Hospital ng rumespondeng ambulansya ng munisipyo para ipagamot.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nakainum ang mga sakay ng motorsiklo at walang mga suot na helmet nang maaksidente.
Ligtas na ngayon ang lagay ng dalawa.