Pinaniniwalaang mukha ni Jesus Christ ang lumabas at nabuong imahe mula sa sinindahang kandila na ginamit sa isang prosesyon nitong Huwebes Santo sa Odiongan, Romblon.
Ang nasabing kandila ay ginamit umano ng pamilya Dapula sa prosesyon ng Iglesia Filipina Independiente nitong Huwebes ngunit nang gagamitin na nila ito para sana sa prosesyon nitong Biyernes Santo, napansin nilang may namuong mukha sa kandila.
Agad nilang dinala ang kandila sa simabahan para ipaalam ang nangyari rito.
Sabado de Gloria nang pabasbasan ng pamilya Dapula ang kanilang kandilang pinaniniwalaang may imahe ni Kristo sa Simabahan ng Saint Vince Ferrer ng IFI.
Ayon kay Bishop Ronelio Fabriquer ng Iglesia Filipina Independiente, subject pa sa study ang nasabing pangyayari.
“Mahirap mag conclude, pero mahirap ring sabihing gawa-gawa lang. Nakakapagtaka lang,” ayon sa text message ni Fabriquer sa GMA News.
Sinabi rin nito na maaring ito ay paalala lamang sa mga nakakalimot sa Panginoon.