Inaasahang mas hihigitan pa ngayong taon ang mga naparadang mga lechong baboy noong 2018 sa Lechon Festival sa bayan ng Looc, Romblon.
Ayon sa presidente ng kapistahan si Leonard Gabuna, ipaparada ang lechon papunta sa plaza pagpatak ng alas-11:30 ng April 25, pagkatapos ang civic parade.
Ilalatag muli sa kalye ng Poblacion ang mga lechong baboy at inaasahang pagsasalo-saluhan ng mga residente at bisita ng nasabing pagdiriwang.
ADVERTISEMENT
Ang nasabing Lechon Festival ay bahagi ng pagdiriwang ng Talabukon Festival sa bayan.