Dagdag atraksyon para sa gustong bumisita sa Grotto de Banloc ngayong Semana Santa ang bagong bukas lang na Star of Bethlehem Honesty Cafe.
Ito ay dagdag sa sikat nilang Honesty Store, kung saan pwedeng mag-order ng pagkain ang mga bisita at bahala na sila magbayad at mag-iwan ng sukli sa nasabing cafe.
Makikita rito ang mahigit dalawang daang Starbucks mugs na kinolekta pa mula sa iba’t ibang dako ng mundo. Ipina-adopt eto sa mga tao at tinawag na Mugnifying, the Mugnificent works of God.
Samantala, handa na para sa pagdiriwang ng Semana Santa sa susunod na Linggo ang Grotto de Banloc, na isa sa mga kilalang pasyalan para sa mga gustong mag muni-muni at mag-alay ng panalangin.
Kompleto ang lugar ng 14 stations para sa mga gustong mag Stations of the Cross. Meron rin sa lugar na mini Walk of Beatitudes kagaya ng matatagpuan sa Capernaum, Israel.
Ayon sa caretaker ng lugar na si Sherly Yap-Gaytano, magkakaroon sila ng easter egg hunting sa darating na Semana Santa.
Walang entrance fee sa Grotto de Banloc at bukas ito araw-araw mula 8am hanggang 9pm.