May aabot sa limang ektarya ng lupain ang nasunog nitong hapon ng Sabado, April 27, sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Ayon kay Senior Fire Officer 2 Joey Selorio ng Bureau of Fire Protection sa Odiongan, nakatanggap sila ng tawag na may nasusunog sa bundok na bahagi ng Sitio Bagulayag, Barangay Canduyong, bandang alas-4:30 ng hapon kaya agad silang nagpadala ng mga bombero.
Hindi tinukoy ni SFO2 Selorio ang posibleng pinagmulan ng apoy.
ADVERTISEMENT
Wala naman umanong nasaktan sa nasabing sunog at wala ring nadamay na bahay.