Isang sunog ang sumiklab sa damuhan na nasa tabi lamang ng barangay road sa Barangay Tulay sa bayan ng Odiongan, Romblon nitong hapon ng Martes, April 30.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa basurang sinindahan at kumalat patungo sa damuhan.
Agad namang rumesponde ang mga bombero bago pa umakyat ng bundok ang apoy at bago dumikit sa kabahayang malapit sa nasusunog na damuhan.
Paalala ng otoridad, iwasan munang magsindi ng mga basura lalo na sa malapit sa mga tuyong damuhan dahil mabilis itong kumalat lalo na ngayon’g mainit ang panahon.