Idineklara ng lokal na pamahalaan ng Odiongan ang special non-working holiday sa bayan ng Odiongan sa darating na Biyernes, April 5, bilang bahagi ng pagdiriwang ng bayan sa kanilang 172nd Odiongan Foundation Anniversary.
Sa nilabas na Executive Order ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, sinasabi na walang pasok sa lahat ng pampribado at pangpublikong opisina sa buong siyudad alinsunod sa local ordinance No. 87-22 na isinabatas noong 1987.
Ang kapiyestahan ni St. Vince Ferrer ay gaganapin sa Biyernes ngunit ang highlight nitong Kanidugan Festival 2019 na gaganapin sa Sabado, April 6.