Nadakip sa operasyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Romblon Provincial Drug Enforcement Unit ang isang lalaking di umano’y nabilhan nila ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu.
Kinilala ang suspek na si Rogelio Felix Navarrete Morales, 49-anyos, residente ng Poblacion, San Agustin, Romblon.
Batay sa spot report mula sa Romblon Police Provincial office, bandang 2:40 ng hapon ng magkasa ng operasyon ang mga operatiba laban sa suspek sa Barangay Poblacion kung saan nabilhan di umano nila ang suspek ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa halagang P2,000.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa San Agustin Municipal Police Station at posibleng maharap sa kasong paglabag sa sectin 5 ng Article II ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ikinasa ang operasyon kasama ang mga tauhan ng RPMFC, PNP-MG MARSPTA at San Agustin Municipal Police Station.
Itinanggi naman ng suspek na sakanya ang nakuhang shabu.