Pinasinayaan nitong hapon ng Sabado, April 6, ang bagong ayos na Anahao-Malilico-Balatucan Road sa bayan ng Odiongan sa Romblon.
Pinangunahan ang pagpapasinaya nina Assistant Secretary for DILG’s Barangay Affairs and Partnership Roosque B. Calacat at Romblon Governor Eduardo Firmalo.
Ayon kay Firmalo, ang nasabing provincial road ay pinondahan sa ilalim ng programang Conditional Matching Grant to Province for Road (CMGP) ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Malaking tulong umano ang pagpapasemento at pasasaayos ng nasabing kalsada para sa mga motorista na bumabiyahe ng Odiongan patungo sa mga katimugang bahagi ng Tablas Island.
Si Calacat ang naging kinatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing inagurasyon matapos hindi ito makadalo.