Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Provincial Environmental and Natural Resources Office sa Romblon ang paglilinis sa Bangon-Bongoy River sa bayan ng Odiongan, Romblon bilang bahagi ng paggunita sa World Water Day nitong Biyernes, March 22.
Nakiisa sa paglilinis ang mga opisyal ng Provincial Government, Local Government Unit ng Odiongan kasama ang mga residente ng nabanggit na bayan, mga national agencies, non-government organizations, at uniformed personnel.
Eksaktong alas-6 ng umaga ay nagsimula na sila sa maikling programa sa harap ng opisina ng Department of Science and Technology at pagkatapos nito ay nagdiretso na sila sa ilog para linisin ang mga kalat na kanilang makikita rito.
Hindi nag atubili ang ilan na lumusong sa tubig para lang makiisa sa paglilinis sa nasabing ilog.
Ang nasabing clean-up driver sa Bangon-Bongoy River sa Odiongan ay isinabay sa iba pang clean-up drive na pinangunahan ng DENR sa buong rehiyon: Sabang River (Sablayan) at Pandurucan River (San Jose) sa Occidental Mindoro; Calapan River sa Oriental Mindoro; Boac River sa Marinduque; at Umalad River (Roxas), Abongan River (Taytay), Tagburos River (Puerto Princesa), Sitio Manggahan 1 and 2, at Bakawan Creeks (Coron), Buligay River (Brooke’s Point), at Panitian River (Quezon) sa Palawan.
Sa naunang pahayag ni DENR MIMAROPA Regional Executive Director Henry Adornadoi, sinabi nito na ‘this only shows that the public is getting more involved in protecting and saving our environment. Kaya ngayon pa lang po, lubos na kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga nagpahayag ng kanilang suporta’.
“Let us not wait for our rivers to die. Let us act together as One MIMAROPA towards a single and noble purpose so that we can achieve water for all, now and foRiver,” pahayag pa ni Adornado.