Malaking tulong para sa army reservist na nakaduty sa 410th Community Defense Center (CDC), 4th Regional Community Defense Group at Army Reserve Command (ARESCOM) sa bayan ng Odiongan, Romblon ang bagong tayong warfighting facility sa lugar.
Pinasinayaan ito nitong Sabado, March 16, ni Romblon Governor Eduardo Firmalo, kasama ang mga opisyal ng Philippine Army.
Sa talumpati ni Firmalo, sinabi nito na malaking bagay ang pagkakaroon ng mga army reservist sa probinsya dahil nakatulong ito para masiguro na napapanatili ang katahimikan sa probinsya ng Romblon.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay idineklara ng Philippine Army na insurgency free ang probinsya ng Romblon matapos ang mahabang taong walang sightings ng mga miyembro ng mga teroristang grupo.