Pinangunahan ng iba’t ibang denomination ng simbahan ang ikinasang Solidarity Walk at Peace Covenant sa iba’t ibang bahagi ng probinsya ngayong araw, March 16.
Sa Odiongan, Romblon aabot sa mahigit 300 katao ang dumalo kasama ang mga religous leaders mula katoliko hanggang protestant gayun na rin ang mga kapatid nating muslim.
Nanumpa ang dalawang kandidato na dumalo na sina Dr. Alexander Formento ng Liberal Party, at si Wilson Fortaleza (IND), pawang mga kandidato sa pagka-konsehal sa Odiongan, na nangangako sila sa tahimik at malinis na 2019 mid-term election para sa taong 2019.
Nag-ikot rin sila paikot ng Poblacion, para ipakita sa tao ang kanilang senseridad sa sinumpaang pangako.
Samantala, sa malayong bayan ng Concepcion, pinangunahan rin ng mga taga-simbahan ang kinasa nilang Solidarity Walk at Peace Covenant kung saan dumalo ang mga kandidatong tatakbo sa darating na halalan.
Ang nasabing event ay bahagi ng ‘Ugnayan Ng Simbahan at Pulis (USAP)’ ng Philippine National Police at sabayang ikinasa sa iba’t ibang munisipyo at siyudad sa buong bansa.