Mahigit 5 kilometro mula sa Poblacion, Looc ay matatagpuan ang isa sa bagong pasyalan ng mga hikers at mountaineers sa bayan ng Looc, ito ang Kapihan Peak sa Barangay Limon Sur.
Ayon sa datus ng Peak Advisor, ang Kapihan Peak ay may taas na 988 ft above sea level.
Para marating ito kailangan mong maglakad ng mahigit 20 minuto patungo sa baba ng Kapihan Peak at aakyat ng mahigit 30 minuto dipende sa bilis mo umakyat ng stairs.
Sa halagang P20 ay pwede ka ng magtagal sa Kapihan Peak mula umaga hanggang hapon.
Ang nasabing peak ay nasa pangangalaga ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Provincial Environmental and Natural Resources Office (PENRO).