Isang lalaki sa bayan ng Odiongan, Romblon ang naaresto ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station, Provincial Intelligence Branch, at ng Philippine Drug Enforcement Agency matapos na makuhaan ng ilang sachets ng shabu at baril.
Kinilala ni Police Major Brian Fallurin, hepe ng Odiongan Municipal Police Station, ang suspek na si Arthur Ignacio, residente ng Barangay Malilico.
Una umano munang nagsagawa ng anti-illegal drug buy-bust operation ang mga operatiba laban kay Ignacio kung saan nabilhan di umano siya ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu.
Sinundan ito ng pag silbi ng search warrant sa bahay ni Ignacio kung saan nakakuha di umano ang mga operatiba ng dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu, isang pinaghihinalaang walang lisensyang caliber .357 magnum revolver, at limang live bullets.
Itinanggi naman ng suspek na sakanya ang mga nakuhang shabu at baril.
Nakakulong na ngayon si Ignacio sa Odiongan Municipal Police Station habang inihahanda ang mga kasong posibleng isampa sakanya.