Patuloy na binabantayan ang kalagayan ni Dr. Bilshan Servañez, dean ng College of Engineering and Technology sa Romblon State University, matapos na masangkot sa salpukan ng dalawang motorsiklo nitong March 24.
Ayon sa police report na nakuha ng Romblon News Network, binabaybay ni Dr. Servañez ang kahabaan ng Barangay Road ng Barangay Liwayway nang bigla siyang salpukin ng motorsiklo na minamaneho ng isang menor de edad.
Tumilapon ang mga sakay ng motorsiklo at dinala sa Romblon Provincial Hospital para gamutin ngunit si Dr. Servañez ay kinailangang dalhin sa Manila para doon operahan.
Sa post ng kanyang anak sa Facebook, nanawagan sila ng panalangin para sa kanilang ama.
“We are asking for prayers for my father’s speedy recovery,” ayon kay Aubrey Servañez-Landingin.