Pinaghahanap ngayon ng mga otoridad ang isang Romblomanon na pumuga mula sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Sablayan, Occidental Mindoro nitong February 02.
Kinilala ang pumugang suspek na si Reynaldo Roxas Reyes, residente ng Poblacion, Cajidiocan, Romblon.
Nagpadala na ng notice ang pamunuan ng Sablayan Prison and Penal Farm sa mga National Bureau of Investigation, Philippine National Police, at Philippine Army para tumulong sa ikahuhuli ng suspek.
Ang suspek ay nahatulan ng Reclusion Perpetua o habambuhay na pagkakakulong sa kasong forcible abduction with rape sa Lucena City.
Nailipat sa National Bilibid Prison si Reyes noong 2001 at nailipat sa Sablayan Prison and Penal Farm noong 2011.
Sa mga makakapagturo ng lokasyon ng pumugang preso, maari silang makipag-ugnayan sa numerong 09172410174 o 09209682673.