Muntik ng matangay ang laptop ni Dennis Manzo ng Philippine Information Agency matapos pasukin ng magnanakaw ang kanyang tinutuluyang kwarto sa bahay ni Romblon Sun Publisher Tony Macalisang na nagsisilbi ring opisina ng kanilang pahayagan.
Batay sa spot report ng Odiongan Municipal Police Station, bandang alas-11:30 kagabi ng magising ang kasambahay nina Macalisang na si Josie Ferrer dahil sa ingay sa sala at sa ilaw na mula sa cellphone ng suspek.
Nagsisigaw at humingi ng tulong si Ferrer dahilan upang mag panic ang suspek at tumakas palayo. Hawak na sana ng suspek ang bag na may lamang laptop, ganun rin ang bag ng anak ni Macalisang ngunit iniwan ito matapos na magising ang mga tao sa bahay.
Sinabi ni Police Chief Inspector Brian Fallurin, hepe ng Odiongan Municipal Police Station, na tinanggal ng suspek ang mga jelousie o salamin ng isa sa mga binata nina Macalisang upang makapasok ito.
Patuloy umanong inaalam ng Odiongan Municipal Police Station ang pagkakakilanlan ng suspek para sa ikakaaresto nito.