Red para sa mga ‘In a relationship’, black para sa mga ‘Taken for granted’ at brown naman para sa mga ‘Pusong Bato’.
Para mas ramdam ang Araw ng mga Puso bukas sa Odiongan, naglabas ng dress code ang opisina ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic para sa mga empleyado ng munisipyo ng Odiongan.
Base sa memorandum na nilabas ng opisina ni Fabic, may 12 na kulay ng damit ang pwedeng suotin base sa kanilang relationship status.
Naglabas rin ng dress code ang opisina ng Supreme Student Council ng Romblon State University para sa mga estudyante ng RSU Main Campus. Base sa kanilang dress code, pula ang suot ng ‘in a relationship’, orange kung ‘friendzone’, yellow kung ‘pinaasa’ at violet kung ‘it’s complicated’.
Ang araw ng mga Puso ay isang tradition ng pag-alala sa St. Valentine’s Day