Magsasama-sama sa darating na Biyernes, February 22, ang iba’t ibang miyembro at leaders ng muslim community, at christian churches sa bayan ng Odiongan, Romblon para magpahayag ng paglaban at pagkontra nila sa terorismo.
Inaasahang magkakaroon sila ng prayer rally, at solidarity walk na magsisimula sa Odiongan Public Plaza paikot sa sentro ng Odiongan hanggang sa makabalik sa Plaza.
Ang programa na inorganisa ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Chief Inspector Brian Fallurin ay magtataglay ng temang ‘Lakad Tungo sa Kapayapaan Iwaksi ang Karahasan (Walk Toward Peace, Condemn Violence)’.
Ayon sa mga religious leaders, kinakailangang itaguyod nila ang isang kultura ng walang karahasan upang makapagbigay ng kontribusyon sa pagbuo ng isang mapayapa at saganang bayan.
Iniimbetahan ng mga religious leaders ang bawat isa na nasa Odiongan na makilahok sa kanilang program na magsisimula ng alas-6 ng umaga sa Odiongan Public Plaza.