Bukas na para sa publiko ang holywood inspired na landmark ng bayan ng San Agustin na matatagpuan sa Nabujos Peak sa Sitio Nabujos, Brgy. Cagboaya.
Mala-hollywood style ang dating ng landmark dahil tanaw ito kung ikaw ay nasa-sentro ng San Agustin lalo na sa pantalan.
Ayon sa mga residente ng lugar, may halos 300 meters above sea level ang taas ng nasabing peak.
Taong 2017 ng simulang itayo ng LGU ang nasabing landmark sa pangunguna ni Mayor Denon Madrona bilang tulong sa turismo ng bayan ng San Agustin at gabay na rin sa mga mangingisdang pumapalaot.