Napuno ng kulay ang Valentine’s Day ng ilang residente ng Looc, Odiongan, Alcantara, at San Agustin matapos na mahatiran ng bouquet ng bulaklak mula sa kanilang pamilya, hatid ng Flower Farm ng Grotto de Banloc sa bayan ng Looc, Romblon.
Umaga palang ay nagsimula ng mag-ikot ang mga tauhan ng Grotto de Banloc para ihatid ang mga personalized bouquet of flowers na gawa mismo ni Ryan Cuasay.
Dahil malayo ang mga mahal sa buhay, sila ay tumawag na lamang sa kay Gng Shirley Gaytano ng Grotto de Banloc para mag-order. Nagulat, natuwa at masayang masaya ang nanay, asawa at anak na nakatanggap ng bulaklak mula sa kanilang mga mahal sa buhay kahit eto ay nasa malayong lugar.
Ang mga nasabing bulaklak na mga American variety ng Zinnia ay siguradong magpapangiti sa inyong mahal sa buhay dahil sa taglay nitong mahalimuyak na amoy.
Kahit tapos na ang valetine’s day, ipinababatid ng Grotto de Banloc na maari pa ring mag-order sa kanila sa anumang uri ng okasyon sapagkat sapat na sapat pa ang mahigit isang ektaryang tanim na bulaklak sa kanilang flower farm upang maka pag supply sa graduation, birthday o kasal.
Bukas sa at libreng pumasok ang publiko sa Grotto de Banloc mula alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi, araw-araw.
Para sa iba pang impormasyon, hanapin lamang si Shirley Gaytano sa (0928) 873 4062.