Ipinagkaloob ng Local Government Unit ng Odiongan sa pangunguna ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic ang mga bagong three wheel motorcycle ng RUSI na Chariot sa mga barangay officials, at Sangguniang Kabataan (SK) officials ng 25 barangay sa Odiongan.
Sa talumpati ng alkalde, sinabi nito na ang mga bagong sasakyan ay pinondohan mula sa savings ng Munisipyo ng Odiongan nitong mga nakaraang taon.
Malaking tulong umano ito sa mga barangay katulad ng paghahakot ng mga gamit na dadalhin sa Materials recovery facility, o di kaya ay paglalagyan ng mga produkto ng mga magsasaka.
Sinabi rin ng alkalde na ang mga nasabing sasakyan ay makakatulong kung sakaling may sakuna halimba umano ang paglilikas sa ilang pamilya tuwing may bagyo.
Masaya namang tinanggap ng ilang barangay officials, at SK officials ang nasabing sasakyan at sinabing aalagaan nila ito at sisiguraduhing magagamit ng kanilang mga nasasakupan.