Isang prayer vigil ang ikakasa ng ilang mga taga-suporta ng kasalukuyang administrasyon ng Odiongan upang ipanalangin ang mga leader ng executive at legislative department ng bayan.
Sa chain messages na kumakalat sa social media, sinasabi na alas-7 ng gabi ngayong Linggo, January 20, isasagawa ang prayer vigil sa harap ng munisipyo ng Odiongan, at ito ay kinumpirma sa Romblon News Network ng isa sa mga organizer ng event.
“Kali ay para ipangamuyo kag mga pangyayari sa ato banwa ag para maghagar it maliwanag nak pag-iisip ag pangangalaga para sa ato mga lider,” ayon sa mensahe.
Ang nasabing prayer vigil ay isasagawa kasunod ng issue sa nakabinbin parin ang pagpasa sa panukalang pondo ng pamahalaang lokal ng Odiongan para sa taong 2019.