Isang bagong fire truck ang pinagkaloob sa Bureau of Fire Protection (BFP) – Odiongan ng Kalinga Partylist sa pangunguna ni Dr. Uzziel Capunpon nitong umaga ng Huwebes, January 31.
Masayang tinanggap ito nina Dr. Ramer Ramos, Municipal Administrator ng LGU-Odiongan at Senior Fire Officer 2 Joey Selorio ng BFP-Odiongan.
Ayon kay SFO2 Selorio, napakalaing tulong ang nasabing fire truck lalo na at madagdagan ang ‘firefighting capability’ ng mga bombero sa bayan ng Odiongan.
Ang nasabing fire truck ay kayang magkarga ng hanggang 2,000 liters na tubig pamatay sa sunog.
Sinabi pa ni Selorio na ang nasabing fire truck ay pauna lamang umano sa iba pang fire truck na ibibigay ng Kalinga Partylist sa probinsya ng Romblon bago mag Marso.