Isinara sa mga motorista at sa publiko simula ngayong araw, January 07, ang Tablas Circumferential Road sa malapit ng Sijeron Bridge na bahagi ng Barangay Hinugusan sa bayan ng San Agustin para sa gagawing pag-aayos rito ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon sa munisipyo ng San Agustin, magsasagawa ng rock excavation at road widening ang DPWH sa nasabing lugar.
Dahil dito, apektado ang mga motorista na mangagaling sa bayan ng Santa Maria, mga Barangay Bachawan, Camantaya, Buli, at Hinugusan sa San Agustin na gustong tumungo sa Poblacion, San Agustin.
Papayagan namang maglakad ang mga gustong tumawid mula 6:00AM hanggang 8:00AM at mula 4:00PM hanggang 6:00PM.
Magtatagal ang pagsasara sa kalsada hanggang February 09.
































