Aabot sa halos 200 katao mula sa iba’t ibang sektor ang dumalo sa ikinasang prayer/candlelight vigil sa Odiongan Children’s Park and Paradise sa bayan ng Odiongan, Romblon nitong gabi ng Linggo, January 20.
Nag sama-sama sila upang ipanalangin ang mga leader at opisyal ng bayan ng Odiongan lalo na ang mga mula Executive Department at Legislative Department.
Isa sa mga ipinanalangin sa ginanap na prayer/candlelight vigil ay ang panukalang pondo ng pamahalaang lokal ng Odiongan para sa taong 2019 na hanggang ngayon ay hindi pa naipapasama matapos ibalik sa Municipal Development Council (MDC) ng Sangguniang Bayan ang 2019 MDC Budget.
Ipinanalangin nila sina Vice Mayor Mark Anthony Reyes, SB Rollie Lachica na author ng resolusyon at si SB Romeo Chua Jr., na chairman ng Committee on Appropriations.
Ipinagdasal rin nila ang iba pang mga Sangguniang Bayan members at si Mayor Trina Firmalo-Fabic, at hiniling na magkaisa para sa bayan ng Odiongan.
Nagtagal ang programa ng mahigit isang oras.