Pinailawan na ang apat na malalaking Christmas Tree ng bayan ng San Agustin kahit nakakaranas ng masamang panahon ang Tablas Island kagabi, December 15.
Gawa ang mga nasabing Christmas Tree sa mga recycled materials na pinagtulungang gawin ng mga empleyado ng munisipyo ng San Agustin.
Maliban sa maliliwanag na Christmas Tree, pinailawan na rin ang harapan ng Municipal Hall at ang paligid nito kung saan nilagyan ito ng makukulay na Christmas Lights para mas madama ng mga bibisita dito ang pasko.
Bukas ang mga display rito gabi-gabi mula December 15 at magtatagal hanggang sa unang mga linggo ng January.