Kahit na maulan, dagsa parin sa mga simbahan ang mga Romblomanong katoliko para sa dumalo sa unang misa ng siyam na araw na Simbang Gabi.
Sa St. Vincent Ferrer Parish sa Odiongan, nasa labas na ng simbahan ang ilang nag simbang gabi dahil wala ng maupuan sa loob kaya ang ilan nagbukas nalang ng payong para hindi mabasa ng ulan.
Gabi palang kasi ng Sabado ay nakakaranas na ng pag-uulan ang bayan dulot ng thunderstorms.
Pinilit parin ng ilang magsimba kahit na mabasa ng ulan para makadalo sa unang Misa de Gallo.
Sa homily ni Father Ruben Manliguez ng St. Vincent Ferrer Parish, hinikayat nito ang mga katoliko na gawing araw-araw ang pasko para araw-araw ay magmahalan at magbigayan ang bawat isa.
“Umpisahan natin ang simbang gabi ng kagalakan, hindi lamang sa ating mga puso kundi sa buo nating pagkatao,” bahagi ng homily ni Father Manliguez.
Maulan rin ang unang Misa de Gallo ng mga nagsimba sa Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa Magdiwang, Sibuyan Island pero pinilit paring magsimba ng karamihan para maipanalangin ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang pamilya.