Pinailawan na nitong gabi ng Linggo, December 09, ang Christmas Village ng bayan ng Looc, Romblon kung saan may tema ito ngayong taon na “Pasko sa Nayon”.
Tampok sa Christmas Village ang iba’t ibang Christmas Display na gawa sa mga lokal na kagamitan katulad ng bunot, bao, dahon, walis at iba pa. Napuno rin ang public park ng makukulay na Christmas lights at dekorasyon.
Ang nasabing Christmas Village ay itinayo at pinagtulong-tulungan ng iba’t-ibang barangay sa bayan ng Looc.
Libreng pumasok at magpa-picture sa loob ng kanilang Christmas Village na magtatagal hanggang January.
{loadmoduleid 409}