Naglaan na ng P20,000 na pabuya ang Local Government ng Odiongan para sa mga makakapagtuturo sa suspek ng nangyaring panghoholdap at pagnanakaw sa KW Trading sa bayan ng Odiongan nitong gabi ng Huwebes, December 13.
Sa facebook post ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, sinabi nito na P20.000 ay ibibigay sa magbibigay ng lead sa ikakahuli ng suspek.
Ayon kay Police Chief Inspector Brian Fallurin, hepe ng Odiongan Municipal Police Station, mag-alas 7 ng gabi ng di umanoy tutukan ng baril ng isang holdaper ang may-ari ng KW Trading sa Odiongan, Romblon at sapilitang kinuha ang perang kinita ng tindahan buong araw.
Nakatakip umano ng panyo ang suspek at may dalang baril kaya hindi namukhaan ng mga witness ang hitsura ng lalaking suspek.
Sa huling pahayag ni PCI Fallurin, sinabi nitong patuloy umano ang kanilang follow-up operation at paghahanap sa suspek.