Hinatid na sa huling hantangun nitong hapon ng Sabado, December 08, ang labi ni Evangeline Fabic Madrona, asawa ng yumaong dating Congressman Esteban S. Madrona, at ina nina Congressman Emmanuel Madrona at dating Congressman Eleandro Madrona.
Napuno ng mga nakakulay puting taga-suporta at nagmamahal sa pamilya Madrona ang Bachawan Public Cemetery sa San Agustin, Romblon kung saan inilibing si Gng. Madrona o mas nakilala rin sa tawag na ‘Momsie’.
December 01 ng bawian ng buhay si Gng. Madrona sa edad na 91.
Si Gng. Madrona ang itinuturing na inspirasyon ng pamilya Madrona na kahit nabiyuda na ng matagal ay nagputuloy parin sa kanyang malasakit sa kapwa, lalo na sa mga kabarangay sa Bachawan at kababayan sa San Agustin kung saan may mga kapus-palad siyang pinaaral.
Nakilala rin si Gng. Madrona dahil sa pagiging relihiyoso nito at pagiging matulungin sa simbahan.
Kasabay sa madamdaming pamamaalam ay ang kanyang mga naulilang anak na sina Ernestina (Buding), Mayor Esteban (Denon), Eleanor (Enol), Eli Paulino (EliPaul) at ang kanilang mga apo at malalapit na kaibigan at kamag-anak.
Bumuhos din ang pakikiramay at pagmamahal ng mga iba’t ibang grupo/sektor ng simbahan, komunidad, kawani at opisyal ng gobyerno hindi lang sa Isla ng Tablas kundi pati na rin sa karatig na mga isla.
Samantala, ipinaabot naman ng Pamilya Madrona ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiramay, nagmahal, at nag alay ng dasal para sa kanilang mahal na Ina.