Isang araw bago ang besperas ng bagong taon, mabenta na sa mga palengke ang mga bilog na prutas na kalimitang binibili ng mga Pinoy tuwing sasapit ang bagong taon.
Sa Odiongan Public Market, maraming tindahan na ang nag-order ng madaming stocks ng prutas para madaming maibenta sa mga parokyano.
Ang mansanas rito, mabibili mo ng 15-40 pesos kada isa depende sa laki; ang orange mabibili mo ng P15-35 kada isa depende sa laki; ang grapes mabibili mo ng 280 pesos kada kilo; habang ang melon naman ay mabibili mo ng P150 pesos kada kilo.
Ayon sa ilang nagtitinda rito, posibleng bukas, besperas ng bagong taon ay dadami lalo ang mga mamimili ng prutas para makompleto ang 12 na prutas para sa kanilang Media Noche.