Tinumba ng rumaragasang baha kaninang umaga ang isang bahagi ng pader ng Romblon State University (RSU) San Agustin sa Barangay Cabolutan.
Ayon sa nagpadala ng litrato sa Romblon News Network na si Onilyn Molino, matagal ng problema sa kanila ang baha ngunit ngayon ay mas malakas dahil pumasok na ito sa kanilang mga bahay.
Nagising nalang umano sila na nasa loob na ng kanilang mga bahay ang tubig baha.
“This has been happening for so long. The residents would wake up in the wee hours of the morning because the flood is getting higher,” ayon kay Molino.
Humihiling siya ng agarang aksyon mula sa local government unit ng San Agustin na solusyunan ang matagal ng problema sa kanilang Barangay.