White Christmas ang tema ngayong taon ng Christmas Village ng Institute of Information and Technology (IIT) ng Romblon State University Main Campus sa Odiongan, Romblon.
Ang pagbuo ng makulay at maningning na Christmas Village ay para maipakita ang pagkakakaisa ng mga estudyante at guro upang maghatid ng tuwa at saya sa bawat isa.
Binuo ito sa pakikipagtulungan ng mga guro, at estudyante ng Institute of Information and Technology.
Ang nasabing activity ay ginagawa taon-taon ng Institusyon.
Binuksan ito sa publiko nitong Martes, December 04. Bukas ito mula 6PM hanggang 9PM gabi-gabi hanggang December 13.