Bigo ang tangkang pagnanakaw ng isang holdaper sa isang tindahan sa Barangay Agpudlos sa bayan ng San Andres, Romblon nitong gabi ng Miyerkules.
Ayon sa San Andres Municipal Police Station, bandang 7:40 kagabi ng dumating ang isang lalaking nakamotor sa harap ng isang tindahan sa nasabing barangay at nagdeklara ng holdap.
Tangka sanang kakasa ng baril ang suspek nang biglang sumigaw ang tindira para makahingi ng tulong kaya agad na kumaripas ng sakay ng motor ang suspek at dali-daling umalis sa lugar.
Agad namang nakaresponde ang mga tauhan ng San Andres Municipal Police Station sa lugar at maswerteng walang natangay na kahit ano tumakbong suspek.
Dahil sa pangyayari, sinabi ng San Andres Municipal Police Station na mas hihigpitan pa nila ang pagpapatrolya nila sa kanilang lugar para mapigilan ang mga ganitong insidente.
Patuloy naman ang kanilang imbestigasyon sa posibleng pagkakakilanlan ng nasabing suspek.