Ilang residente sa Sitio Olongapo sa Barangay Dubduban sa bayan ng San Agustin ang inilikas kaninang madaling araw matapos pasukin ng baha ang kanilang mga bahay dahil sa umapaw na Malaoay River na nagdulot ng flash flood sa lugar.
Ayon sa mga residente sa lugar, walang tigil ang ulan na naranasan nila simula kagabi at ito ang posibleng dahilan ng biglaang pagbaha sa lugar.
Samantala, sa Barangay Poblacion naman, umabot hanggang gutter deep ang tubig baha, at pinasok na rin ang ilang bahay.
Nakaantabay naman ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng San Agustin sa posibleng epekto pa ng masamang panahon sa bayan.