Isang hindi pa nakikilalang babae sa Odiongan, Romblon ang isinugod sa Romblon Provincial Hospital nitong gabi ng Sabado matapos na ma hit and run ng hindi pa tukoy na sasakyan bandang alas-8:30.
Nangyari ang aksidente sa kahabaan ng Tablas Circumferential Road sa bahagi ng Barangay Poctoy.
Ayon sa mga nakasaksi, nakita nalang nila ang matandang babae na nakahilata na sa gilid ng kalsada at umaaray sa sakit matapos na mabali ang kamay dahil sa pagkakahagip sakanya ng sasakyan.
Sinubukan umano itong habulin ng ilang nakasaksi ngunit bigo umano sila.
Tinitingnan na ng Odiongan Municipal Police Station ang mga CCTV cameras na nasa malapit sa pinangyarihan ng aksidente.