Pormal ng binuksan nitong October 24 para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) o BJMP Detainee ng Odiongan District Jail at sa kanilang pamilya ang online dalaw o tinawag nilang ‘E-Dalaw’ system ng Odiongan District Jail.
Ayon kay Jail Senior Inspector Irene Dañez Gaspar, Jail Warden ng Odiongan District Jail, libre umano ang paggamit ng ‘E-dalaw’ system ng BJMP at maaring silang tawagan sa pamamagitan ng Facebook Messenger ng BJMP-ODJ.
Malaking tulong umano ito para sa mga kamag-anak ng mga PDL na nasa malalayong lugar at walang pera para makabisita sa pasilidad ng Odiongan District Jail para dalawin ang pamilya nilang nakakulong. Pagbibigyan umano sila ng 5-7 minutong videocall basta magpa-alam lang sa FB Account ng BJMP-ODJ.
Ang nasabing ‘E-Dalaw’ system ay limited lang umano sa mga immediate family ng mga PDL o BJMP Detainee ng Odiongan District Jail.