Nakatakdang pailawan ngayong darating na Huwebes, November 29, ang Giant Christmas Tree ng bayan ng Alcantara na inaasahang hihigit sa 90ft ang taas.
Ayon sa Local Government Unit ng Alcantara, magsisimula nag seremonya sa pamamagitan ng isang programa pagpatak ng alas-6 ng gabi.
Maliban sa Giant Christmas Tree, inaasahan ring paiilawan na ang iba pang dekorasyong pampasko na nasa paligid ng Public Park ng Christmas Capital ng Romblon.
































