Aabot na sa 106 katao ang natiketan ng Odiongan Municipal Police Station simula ng ipatupad nila ang strict implementation ng ‘no helmet, no driving policy’, ‘no driving for minors/without license’ at ang pagbabawal sa mga open mufflers, sa kalsada ng Odiongan.
Ayon kay Police Supt. Raquel Martinez, OIC ng Odiongan Municipal Police Station, ito na ang bilang nila simula noong November 01 hanggang November 07, iba pa rito ang bilang ng mga motorsiklong na-impound sa kanilang stations, outpost, at sa Land Transportation Office (LTO).
Araw-araw nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station para mahuli ang mga lumalabag sa Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code at sa ordinansang nagbabawal sa mga open mufflers.
Magpapatuloy umano ang paghihigpit sa mga nasabing batas para mas maging ligtas ang kalsada ng bayan ng Odiongan.
Paalala ng Odiongan Municipal Police Station sa publiko na sundin nalang ang mga batas trapiko para makaiwas sa huli, at dagdag na rin umano sa ‘safety’ ng mga motorista.