Patay na ng matagpuan ng mga residente ng Barangay Buenavista, Looc, Romblon ang isang lalaking nawala matapos lumusong sa dagat habang nangingisda nitong hapon ng October 20.
Kinilala itong si Jomer Fallarna Gusi, 29-taong gulang, at residente ng Ferrol, Romblon.
Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa barangay opisyal ng Buenavista na diumanoy may nakitang patay na lalaki sa seashore ng kanilang barangay bandang alas-5 ng hapon ng Sabado.
Sa imbestigasyon ng pulisya, sumama si Gusi sa iba pang mangingisda para manghuli ng isda sana ngunit habang nangingisda ay bigla itong lumusong papuntang dagat ngunit sa kasamaang palad ay di na umano lumatang. Sinubukan umanong i-rescue ng kanyang mga kasama ang biktima ngunit bigo umano sila.
Idinaan na sa post mortem examination ang bangkay ng biktima para makita ang dahilan ng pagkamatay ni Gusi at kung walang naganap na foul play sa nasabing aksidente.