Nag-donate ng apat na sets ng computer ang opisina ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Cluster 3 Romblon sa Odiongan Public Library nitong nakaraang linggo.
Ang mga nasabing computer sets ay ipinagkaloob ng DICT sa pamamagitan ni Engr. Racquiel Aguba at taos-puso namang tinanggap ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic sa kanyang opisina.
Ayon sa DICT ang mga nasabing computer sets ay premyo ng bayan ng Odiongan dahil sa pagiging best performing Tech4Ed Center ang center na matatagpuan sa baba ng Odiongan Municipal Hall.
Siniguro naman ni Mayor Fabic na libreng gamitin ng publiko ang mga computer sets sa public library at malaking tulong rin umano ito lalo na sa mga estudyante ng Highschool at College.