Nagsagawa ng emergency meeting ang local government unit ng San Agustin nitong Sabado kasama si Philippine Coconut Authority National Administrator Romulo de la Rosa upang pag-usapan ang mabilis na pagkalat ng coconut scale insect o mas kilala bilang Cocolisap sa bayan .
Bumuo ang local government unit ng task force sa kanilang bayan na tutok at lalaban sa pagkalat ng mga ‘Cocolisap’ sa mga Barangay ng Carmen at Cabulotan.
Sa pinakahuling taya ng Philippine Coconut Authority, aabot na sa mahigit 50,000 puno ng niyog ang apektado ng cocolisap sa mga bayan ng San Agustin at Calatrava simula ng ito ay madiskobre noong nakaraang taon.
Ang mga cocolisap isang ‘distructive insect’ na umaatake ng mga puno ng niyog sa pamamagitan sa pagkain sa kanilang mga dahon, bunga, at bulaklak kung saan tanging trunk nalang ng puno ang matitira.