Pinasinayaan nitong Miyerkules, October 24, ang bagong outpost ng Odiongan Municipal Police Station sa Barangay Batiano sa bayan ng Odiongan.
Nagkaroon ng maikling misa si Reverend Father Ruben M. Manliguez ng Parish Priest Shrine of St. Vincent Ferrer, kung saan bininyagan ang bagong gusali at ang bagong patrol car ng Odiongan Municipal Police Station.
Dinaluhan rin ito ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, mga opisyal ng Barangay Batiano at mga kawani ng Odiongan Municipal Police Station.
Ang nasabing bagong gusali ay sinimulan pa sa panahon ni dating Odiongan Chief of Police PSI Kenneth Gutierrez na ngayo’y pinagpapatuloy ni OIC PSupt. Raquel Martinez.