• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Friday, November 6, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Sat
28 ° Sun
28 ° Mon
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    LTO, magdadala ng registration caravan sa apat na bayan sa Romblon simula Nobyembre 16

    Romblon, UP Resilience Institute magtutulungan para palakasin disaster response

    Marcos, nagbabala laban sa katiwalian sa ₱8.6-B pondo para sa disaster rehabilitation

    Romblon, nakatanggap ng ₱5-M DRRAP fund para sa disaster rehabilitation

    DOLE, nagkaloob ng livelihood tools sa 11 benepisyaryo sa Corcuera

    FILE PHOTO. VOTERS REGISTRATION IN ODIONGAN ROMBLON.

    Comelec, magbubukas muli ng voter registration sa Nobyembre 10

    Zalameda, itinalaga ni Marcos bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema

    17% lamang ng MSMEs sa ASEAN, nakaka-access ng financing

    Gov. Firmalo-Fabic, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang lokal na produkto ngayong Pasko

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Sat
28 ° Sun
28 ° Mon
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News Local News

2018 Provincial Consumer Congress, pinangunahan ng DTI-Romblon

Romblon NewsbyRomblon News
October 28, 2018 - Updated On October 20, 2021
in Local News, Odiongan
Reading Time: 8 mins read
2
0
2018 Provincial Consumer Congress, pinangunahan ng DTI-Romblon
Share on FacebookShare on Twitter

Dinaluhan ng iba’t ibang sektor na nais makibahagi sa mga paglilinaw ng karapatan ng mga mamimili at mga may-ari ng negosyo ang 2018 Provincial Consumer Congress ng Department of Trade and Industry (DTI)-Romblon na ginanap sa Haliwood Inn Hotel sa bayan ng Odiongan, Romblon.

Ang naturang pagtitipon ay bahagi ng pagdiriwang ng Consumer Welfare Month na alinsunod sa Presidential Proclamation 1098 kung saan ang tema ngayong taon ay “Making Digital Market Places Fairer.”

Layunin nito na mapaangat ang kamalayan ng publiko, magkaroon ng sapat na kaalaman, tamang pag-uugali at kasanayan ang mga consumer ukol sa moderno at responsableng konsyumerismo upang mabigyan ng proteksiyon ang mamimili.

Ang kongreso ay nilahukan ng 80 indibidwal mula sa hanay ng senior citizens, persons with disability, women’s group at micro-small and medium enterprises.

Tampok na usapin sa nasabing kongreso ang DTI-DA-DOE Joint Administrative Order 17-01 and 02 Granting Special Discounts to Senior Citizens and PWD, No Shortchanging Act of 2016, Gift Check Act of 2017, RA 7581 or the “Price Act”, TRAIN Law: Briefer and FAQs na tinalakay nina Carlina B. Josue, Senior Trade & Industry Development Specialist at Maricon R. Aguibiador, Trade & Industry Development Specialist.

Nagbigay rin ng updates si NFA Provincial Manager Romulo O. Aldueza hinggil sa kasalukuyang estado ng suplay ng bigas sa lalawigan gayundin si Dennis Evern Fabito, Fisheries Livelihood Development Technician ng BFAR ukol sa kalagayan ng suplay ng isda at iba pang produktong pangisdaan sa mga palengke.

Parehong tiniyak ng mga ito na sapat ang suplay ng bigas at isda sa buong lalawigan kung kaya walang dapat ipangamba ang mga consumer sa iba’t ibang bayan ng Romblon.

Isa-isa ring hinimay ng pamunuan ng DTI-Romblon ang nilalaman ng Philippine laws and Regulations on Product Standards (RA 4109) kung saan ipinaliwanag ang mga karapatan at responsibilidad ng mga mamimili at ipinaunawa kung ano ang mga produktong sakop lamang ng price control kapag may pagtaas sa presyo ng mga ito upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mamimili at namumuhunan.(DMM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Related Posts

LTO, magdadala ng registration caravan sa apat na bayan sa Romblon simula Nobyembre 16

LTO, magdadala ng registration caravan sa apat na bayan sa Romblon simula Nobyembre 16

November 6, 2026
Romblon, UP Resilience Institute magtutulungan para palakasin disaster response

Romblon, UP Resilience Institute magtutulungan para palakasin disaster response

November 6, 2026

Popular Stories

  • Anim na estudyante, sugatan matapos magbanggaan ang tricycle at motorsiklo sa Romblon

    Lalaki, nasawi sa pananaksak sa Alad Island

    731 shares
    Share 292 Tweet 183
  • Odiongan Water District, itatayo na ang dagdag na water source para sa bayan

    51 shares
    Share 20 Tweet 13
  • Comelec, magbubukas muli ng voter registration sa Nobyembre 10

    23 shares
    Share 9 Tweet 6
  • DOLE, nagkaloob ng livelihood tools sa 11 benepisyaryo sa Corcuera

    18 shares
    Share 7 Tweet 5
  • MySSS Card at piling serbisyo ng SSS, isasama sa eGovPH app

    18 shares
    Share 7 Tweet 5
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Kauna-unahang Social Enterprise Week, ipinagdiwang sa Odiongan

Public hearing, isasagawa sa Odiongan para sa pag-update ng minimum wage

Mt. Guiting-Guiting, sarado sa mga mountaineer hanggang January 2027

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up