Natapos na nitong nakaraang araw ang pagtatayo sa kauna-unahang zipline na matatagpuan sa Tablas Island, Romblon.
Sa video na inupload sa Facebook User Marife Reandelar Diamante, makikita ang isang mga crew na nagsasagawa ng load testing sa nasabing zipline. Ayon kay Diamante, kuha ang video noong September 26 habang nagsasagawa sa bayan ng LGU Family Day & Civil Service Month Celebration.
Ang nasabing zip-line na proyekto ng LGU San Agustin sa pamumuno ni Mayor Denon Madrona ay magsisimula sa Biaringan Island patungo sa Barangay Mahabang Baybay (Long Beach).
Ayon sa ilang netizens, malaking tulong ang nasabing proyekto lalo na pagdating sa turismo ng bayan ng San Agustin at ng probinsya ng Romblon.
Hindi pa bukas sa publiko ang nasabing zipline pero inaasahang bubuksan ito bago matapos ang taon.
Narito ang video: